lahat na ata ng pinoy ay nangangarap mgpunta abroad...para tayong mga probinsyano na naghahangad magpunta sa maynila...kasi mas madaming trabaho nga...hay probinsyano tayo at ang mga ofw ang mga taga-maynila...pero di lahat ng ngppunta ng maynila ay nagiging successful...pareho pa rin kaya ang storya kapag sa abroad?, masyado ng mahirap ata ang buhay dito at naiiwan na tayong mga pinoy...pero hindi naman tayo bobo, kung tutuusin mas matatalino pa tayo sa mga hapon at german kasi magaling tayo mag-english, pero ano ba talaga ang batayan ng pagiging matalino?, kasi kung matatalino tayo bakit di tayo umuunlad? siguro hindi utak ang problema natin, kundi puso, at ugali...haaay tanggapin na natin mga dudes, uso ang crab mentality dito, natututunan mo yan sa bahay, between you and your other siblings, tapos sa baranggay ninyo, parents mo versus sa kapitbahay niyong chismosa, tapos sa eskwelahan, ikaw ulit at mga kaklase mong kapwa mong nagmamarunong, and then sa trabaho, pati boss mo kayang-kaya mo siraan...talent na ata nating mga pinoy yan,,, ang most effective medium? TSISMIS, or rumor sa ingles, lahat interesado diyan pati mga pets natin sa bahay kinekwentuhan natin nyan...hay nako kung uso lang sana dito ang WALANG PAKELAMANAN...pero hindi, masyado tayong CONCERN kaya LAHAT NA LANG PINAPAKELAMAN NATIN pati yung paggawa ng lecheng pishbol na yan na madumi daw ang pagkakagawa, pero kain ka pa rin ng kain at ano? buhay ka pa naman diba?...
lumala na yang talent na yan at nauso din sa gobyerno, ano bang ginagawa nila dun sa mga pwesto nila? imbis na gumagawa sila ng batas para sa ikauunlad ng bansa natin, ayun naga-alimanguhan sila, gusto ko silang murahin isa-isa, sigawan ng wala akong pakelam kung may kabit ka o 5 pamilya mo, GAWIN MO TRABAHO MO!, pero alam kong imposible naman yun, sino naman ako para pakinggan nila diba? isa lang akong beinte anyos na babaeng walang pera na umaasa na may panahon pa para magbago ang lahat...na hindi pera ang batayan sa lahat ng bagay, haha e kahit dito sa bahay pag wala kang pera magdusa ka, matalino ka kasi kapag nakakagawa ka ng paraan para magkapera, e wala nga akong pera, so i'm considered as bobo, oh well,...yan din ang dahilan kung bakit dadalhin ako sa tate, parang feeling ko ie-exile ako, pero bakit? nag-aaral naman ako, wala akong bagsak, tinatamad din minsan gaya ng mga normal na estudyante pero di ko hahayaan na bumagsak ako ng tuluyan, mahal ko kasi ang kurso ko, at may kwentang tao naman ako, di ako pabigat dito sa bahay dahil tumutulong naman ako dito, tinatamad minsan maglinis pero kumikilos ako at gumagawa ng ibang bagay na nagpapaikot sa pamilyang to...at may pangarap ako, gusto kong maging successful ang band ko para maka-impluwensya ng tama sa ibang tao, na may pagkakataon pa para magbago tayong mga pinoy, at gusto ko ring maging art proffesor, gusto kong ma-inspire ang mga batang artist na pinoy na meron tayong lugar dito sa pilipinas, na hindi ka walang kwenta kung drawing lang ang alam mo, pero masyado atang idealistic ang mga pangarap ko, sabi nga ng nanay ko, "BAKIT MO IISIPIN ANG IBANG TAO?, SILA BA ANG NAGPAPAKAIN SAYO?"...hay...ona ikaw na gumagastos ng lahat para sa kakainin ko, pag-aaral ko at mga damit ko, tinitirhan ko,etc...usapang pera nanaman, pero napapakain ba ng pera na yan ang kaluluwa ng isang tao?...ewan ko... siguro pag high ka na sa busog di mo na iisipin yang kaluluwa mo, at kapag nabibili mo na lahat ng bagay na mahal masaya ka na dahil maipagmamayabang mo na, ipakita mo sa madla na ang laptop mo ang pinakalatest na model at tatak mansanas, celfone mo kasinlaki ng plancha na sing nipis ng papel, anakngteteng lang talaga, gastos,gastos at gastos, ang saya-saya!...
natatakot ako na maging ganun ako pgbalik ko dito after 3-5 yrs.,NATATAKOT AKO NA BAKA MAGING MUKHANG PERA AKO, ang sama2x ng mundo, sa bawat mabuting ginagawa mo masama ang bumabalik sayo, hindi ako nagpapaka-negatibo, from experience lang ang kinikwento ko...hay, di ko talaga alam kung mag-eenrol pa ko, malalaman ko sa tuesday pagbalik ni mama galing sa d.f.a. , sana kung aalis kami umalis na kami para makabalik ako agad, pagbalik ko siguro marami ng makikinig sakin dahil magaling na kong mag-english, batayan kasi ng talino yan dito satin, na hindi ko rin alam kung tama nga bang batayan ng talino yang wika na yan,(we can debate on it later dudes haha), at masusulat ko na in full english tong blog entry na to, para mabasa rin ng mga ibang lahi at maintindihan nila ang sitwasyon nating mga pinoy, baka sakaling magawan pa ng paraan, kung di natin kaya iangat sarili natin magpatulong na kasi tayo,,,
badtrip ako ke Manuel L. Quezon sa sinabi nyang " i would rather see our country runned like hell with a filipino, rather than heaven runned by americans..." (di ko alam exactly haha basta ganyan ang thought)...ayan "hell" na nga ata dito...kaya nagaalisan na ang karamihan para maka-experince daw ng "heaven"...including me.
Devious Comments
ganito nalang, kung ano mang mangyari, may mabuting mangyayari. kung pwede kang maiwan dito e di mabuti. kung hindi, at aalis ka, isipin mo nalang, pag dating mo dun, pakita mo na magagaling ang mga pilipino, at di tulad ng iniisip ng karamihan. iba ka maiah. alam ko yun. (naks) isa ka sa mga mabubuti kong kaibigan, at susuportahan kita kahit anong mangyari. (iyak na muna tayo). pag-uwi mo, kung may pilipinas pa sa pagbalik mo (katok sa kahoy ng tatlong beses), e magiging boses ka na magpapalaki sa mga kaluluwa ng henerasyon ng kabataan sa panahon na yun. sama na rin ako. nakakasuka na ang ganitong buhay.
--
Du Hast.
Ich Will.
Du Hasst.
hay kainis yung ganitong feeling ng laging nkabitin...kung aalis kasi umalis na agad para matapos na tong depression ko...2 taon n kong nakabitin ah...lumang 2g2gin na nga sa iba itong pag-alis namin haha..pero di ko pa rin talaga matanggap...mas mahirap tong sitwasyon na to tanggapin kesa nung namatay papa ko...haay
--
ignorance is bliss cherish it...
Previous PageNext Page